Friday, December 3, 2021

Journal Pagbabahagi

        Sa aming binabahigi sa grupo, natutunan ko ang ilang bagay na hindi nila gustong malaman ng lahat. Nalaman ko na lahat ng tao ay may pinagdadaanan na mahirap na pagsubok , at pinipili nilang ilihim ito sa lahat ng tao maging sa kanilang mga pamilya upang hindi sila masaktan. Marami pala tayong iba't ibang mga bagay na gustong baguhin.

        Nang matuklasan namin kung ano ang aming itinatago at kung ano ang aming mga sikreto, iba-iba ang aming mga tugon. May mga nagulat at may mga nakakaramdam ng dalamhati ng iba. Sa kabila ng katotohanan na nakakahiyang pag-usapan ang aming mga sikreto sa isa't isa, Karamihan sa napag-usapan namin ay sa mga bagay na pinagsisihan namin at mga bagay na gusto naming baguhin. 

        Habang ibinabahagi namin ito, napansin ko na kaya siguro namin ito upang makita na kami ay nagsisisi sa mga bagay na nagawa namin sa nakaraan, lahat ng aming mga maling desisyon, pagkakamali at kabiguan. At natutunan ko na ang kabiguan ay ang ina ng tagumpay at hindi natin dapat kalimutan ang nakaraan ngunit dapat tayo ay matuto mula dito.


No comments:

Post a Comment

Letter for human rights

 Para sa mga tao sa buong mundo,                Bilang isang tao, hangad nating lahat na mamuhay nang payapa, na walang mga sakit at pang-aa...